150 astig na riders sa MPTC Tour of Luzon
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Elyssa Nichole @Sports News | February 24, 2026

Photo: Nag-thumbs up para sa (MPTC) Metro Pacific Tollways Corporation Tour of Luzon 2026 Press Conference sa Meralco sa pangunguna nina Manuel V. Pangilinan-Chairman, MVP Group of Companies, mula kaliwa sina Arrey A. Perez-Chief Organizer / CEO, Gilbert F. Sta. Maria President & CEO, (MPTC) Metro Pacific Tollways Corporation, PSC Chairman John Patrick Gregorio, Lorenzo Lomibao Technical Director at Commissaires TOL 2026 at Pearl Managuelod-Institute Director, Philippines. Sisimulan ang karera sa Abril 29 sa Calatagan Beach Resort hanggang Tagaytay City. (Reymundo Nillama)
Puspusan na ang paghahanda ng mga tigasing siklista para lahukan ang MPTC Tour of Luzon na magsisimula sa Abril 29 hanggang Mayo 13.
Magpapadyakan ang tigasing siklista sa 14 stages racing action na aarangkada muna sa Calatagan South Beach, Batangas hanggang Tagaytay City at magtatapos sa Baguio city.
May kabuuang 2,000 kilometers ang babaybayin kung saan ay daraan sa limang rehiyon.
Inaasahang may 150 riders mula sa 20 hanggang 23 teams ang magtatagisan ng bilis sa papadyak sa pangalawang taong event matapos ang nagtagumpay na karera noong 2025.
Tinatayang 12 million total purse ang paglalabanan kung saan mapanalunan ng individual winner P1 million habang P2-M ang sa team.
Inanunsiyo ang nasabing event sa naganap na media launch sa Meralco Building sa Pasig City, kahapon.
Suportado ni Manny V. Pangilinan at iba pang key officials mula sa MPTC, BCDA at Philippine Sports Commission, (PSC).
May habang 155 km Stage 1 ang Calatagan hanggang Tagaytay, at may 40 km Team Time Trial sa Clark, Pampanga hanggang New Clark City, Tarlac ang Stage 2.
Samantala, ang Stage 3 ay may 137 km race mula Clark hanggang Palayan City sa Nueva Ecija habang ang Stage 4 ay 206 km Palayan - Bayombong, Nueva Vizcaya.




Comments