Search
  • BULGAR

14 Pinoy, nawawala sa banggaan ng M/V Liberty Cinco at Chinese Cargo vessel

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Ayon sa Philippine Coast Gurad (PCG), 14 Pinoy ang nawawala sa bandang Cape Calavite, Occidental Mindoro matapos itong mabangga sa Chinese Cargo vessel, kahapon June 28, 1 ng madaling araw.


Ang nabangga ng Hong Kong Flag Cargo vessel MV Veinna ay ang M/V Liberty Cinco na pag-aari ng Irma Fishing and Trading. Nagsimula na silang maghanap matapos na hindi masunod ang schedule ng pag-radio sa port at ng malaman nilang hindi ito nakarating sa Navotas Fish Port ng 7 ng umaga.


Nakita na palutang-lutang ang mga tub na may marka ng “Irma” sa may bandang Cape Calavite, Occidental Mindoro. Nakita ang ilang parte ng barko ng 10 ng umaga ngunit walang nakitang 12 mangingisda at dalawang empleyado ng Irma.


Inimbestigahan na rin ng mga PCG divers ang nangyaring aksidente. Nakita nilang lubhang tinamaan ang gitnang bahagi ng barko.


Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap sa 14 Pinoy na nawawala at ipagpapatuloy ngayong araw ang imbestigasyon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.