top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

14-day lockdown, nilabag ng halos 3k katao sa Navotas City

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | July 22, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Inaresto ang halos 3000 residente ng Navotas City nitong Miyerkules dahil sa paglabag sa 14-day lockdown.


Sa tala ng pulisya umabot na sa 3,222 ang lumabag. 3,056 ang mga matatanda at 166 naman ang mga menor de edad.


Nauna ng nagpaalala ang Navotas City government sa residente na sundin ang city ordinance upang maiwasan ang COVID-19 at ang pagtaas ng bilang ng mga apektado.


Ayon sa kanilang post sa twitter, “Tayo po ay nasa kalahatian na ng ating dalawang linggong lockdown ngunit sadyang marami pa rin ang mga sumusuway sa mga ordinansa na ipinatutupad. Ang mga patakarang ito ay naglalayon lamang na maprotektahan tayo,”


“Sumunod po tayo sa mga patakaran. Bawat isa ay mahalaga kaya alagaan at proteksyunan po natin ang ating sarili at kapwa,”


Samantala, ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco ang pagkalat ng sakit ay laganap sa mga kamag-anak at sa mga kasamahan sa trabaho.


“Bago tayo nagpatupad ng lockdown, nagtala ang ating lungsod ng sunod-sunod na mataas na bilang ng mga positibong kaso. Karamihan ng mga pasyente ay magkakamag-anak o magkakasama sa trabaho,” aniya


Kasalukuyan ang kaso ng COVID-19 sa lugar ay umabot na sa 1,282, 80 ang nasawi at 577 ang gumaling at nagdeklara naman ng enhanced community quarantine (ECQ) sa lugar noong Hulyo 16, 2020 at magtatapos sa Hulyo 29, 2020.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page