top of page
Search
BULGAR

13th month SSS Pension, ibibigay start sa Dec. 1

@Buti na lang may SSS |November 26, 2023


Magandang araw! Ako ay isang SSS pensioner. Nais ko sanang itanong kung kailan ibibigay ang 13th month pension naming mga pensyonado. Happy holidays at maraming salamat. --Lolo Andy


Mabuting araw sa iyo, Lolo Andy!


Matatanggap na sa unang linggo ng Disyembre ang maagang pamasko ng SSS sa mga pensyonado. Ito ay ang kanilang 13th month pension kung saan matatanggap na ng unang batch ng SSS pensioners simula sa Disyembre 1, 2023.


Disyembre 1988 pa ay nagkakaloob na ang SSS ng 13th month pension sa mga SS at EC pensioners nito bilang regalo sa panahon ng Kapaskuhan at bilang pasasalamat din sa suporta ng mga pensyonado sa SSS noong bahagi pa sila ng workforce sa pribadong sektor.


Samantala, ang 13th month pension ay katumbas ng isang buwan na basic monthly pension ng isang pensyonado. Halimbawa, Lolo Andy, kung ang inyong tinatanggap na pensyon ay pumapatak ng P8,500 kada buwan, ibig sabihin nito, ang 13th month pension ninyo ay katumbas din ng naturang halaga na buo n’yong mare-receive sa inyong bank account.


Para naman sa mga pensyonado na tumatanggap na ng kanilang pensyon mula sa mga bangko na kabilang sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet), ito ay ibibigay ng dalawang batch:

Dagdag pa rito, nakikipag-ugnayan na ang SSS sa mga non-PESONet participating banks na i-release sa mga pensyonado nilang kliyente ang kanilang 13th month at December 2023 pensions sa Disyembre 4, 2023.


Nakipag-ugnayan na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation upang pabilisin ang delivery ng 13th month at December 2023 pensions checks sa home address ng bawat pensyonado na tumatanggap pa nito batay sa kanilang record ng SSS.


Hangad namin mula sa SSS ang pagbibigay ng matinding kasiyahan sa aming mga pensyonado lalo na ngayong nalalapit na Kapaskuhan!

***

Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

***

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”.


Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


Hinihikayat din namin kayong panoorin at subaybayan ang “uSSSap Tayo Facebook Live” tuwing Huwebes sa ganap na ika-10 ng umaga sa aming official Facebook page sa “Philippine Social Security System - SSS” at YouTube channel sa “MYSSSPH”.

 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page