Search
  • BULGAR

13 katao, stranded sa Batangas pier matapos palayasin sa unuupahan.

ni Twincle Esquierdo - @News | June 30, 2020



Na-stranded sa Batangas pier ang pamilya ni Erros Barrio Bolaño dahil pinalayas umano sila sa kanilang inuupahan sa Taytay, Rizal dahil nagkulang ang kanilang requirements para makauwi sa Pondevedra, Capiz. Batay kay Erros Barrio Bolaño pinalayas sila sa kanilang inuupahan dahil hindi sila makapabayad ng renta nang magsimula ang lockdown noong Marso hanggang Hunyo. 13 silang magkakamag-anak na stranded ngayon sa Batangas pier kasama na rito ang 5 bata at 2 buntis. Ayon pa dito hindi daw umano sila makapagbayad ng renta na P20,000 kada buwan at umabot ito sa P80,000. Dahil sa walang kita ang canteen na pinagtratrabahuan nu’ng mga nakaraang buwan.


Kahapon, Hunyo 28 bandang alas-11 ng gabi pa sila na-stranded sa Batangas Pier dahil nagbabakasakali unamo silang makauwi sa kanilang probinsya.


Sinabi ni Bolaño "Nung pumunta po kami dito (Batangas pier), may contact po kami dito na makasakay kami pauwing Capiz kaso pagkarating namin dito, biglaang nagsabi si Pangulo (Rodrigo Duterte) na kailangan daw po ng swab test o rapid test,"


Dagdag pa nito "'Yung requirements po namin medical certificate lang po at travel authorization lang po. 'Yun lang naman po talaga ang pinapakuha ng probinsya sa amin. Pagdating po dito, wala po kaming magawa kasi 'yun na nga. Biglang nagsabi na pinatigil na 'yung pauwi ng probinsya 'yung mga LSI (locally stranded individual),"


Noong nakaraang buwan Abril 9, nagsabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpapaupa na ‘wag papalayasin ang mga tenant na hindi makakapagbayad ng renta dahil sa COVID-19 pandemic ay maaapektuhan ang ilang mga trabaho at negosyo ng ilang mamamayan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.