Search
  • BULGAR

13-anyos na walang facemask, hinuli at pinagmumulta ng P5K

ni Lolet Abania | September 26, 2020




Isang menor-de-edad sa Malabon ang hinuli ng mga barangay tanod at pulisya kagabi dahil lumabas ito ng bahay na wala umanong suot na facemask.


Sa ibinigay na report ng pulisya, nasa kapitbahay ang magtiyuhin sa Reyes St., Barangay San Agustin, Malabon para makikain. Inutusan ng tiyuhin ang 13-anyos na pamangkin na kumuha ng bawang na gagamitin sa pagluluto sa kanilang bahay na katabi lamang nito.


Nakita ng mga nagpapatrulyang tanod at pulis ang teen-ager na wala umanong suot na facemask kaya hinuli nila ito.


Subali’t, sa joint memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at guidelines ng pamahalaan, hindi maaaring hulihin o parusahan ang menor-de-edad sakaling lumabag ito sa ipinatutupad na quarantine protocols. Sa halip, dalhin sa mga magulang nito upang mapagsabihan sa ginawang paglabag.


Gayunman, dinala ang teenager, na hindi binanggit ang kasarian, sa barangay hall at ipina-blotter. Kinunan din ng fingerprints at mugshot sa kabila ng pakiusap ng pamilya nito na huwag arestuhin.


Bukod dito, pinagmumulta sila ng P5,000 na sa kalaunan ay naging P1,000 na lamang. Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang pulisya at barangay tanod tungkol sa insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.