top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

₱12k Pension kina lolo’t lola, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 29, 2023


Sure nang makatatanggap ng P500 na karagdagang social pension ang mahihirap na senior citizens ngayong 2023.


Ito ang tiniyak ng isang mambabatas, kung saan mula P500 ay magiging P1,000 na ang matatanggap ng mga senior kada buwan o P12,000 sa buong taon.


Napag-alaman na naglaan ng P50 billion sa 2023 National Budget upang madoble ang pension na matatanggap ng halos 4.1 million indigent senior citizen.


Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 11916, kung saan nakasaad sa batas na ito na bibigyan ng naturang pension ang mga senior na mahina na at sakitin, lalo na silang mga lolo’t lola na walang natatanggap na pension mula sa ibang ahensya ng gobyerno at pribadong kumpanya.


Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang magbibigay ng nasabing social pension ng mga senior citizens.


Sa kabila ng kaliwa’t kanang taas-presyo sa mga bilihin at dagdag-singil sa mga serbisyo, anumang halaga ay masasabing malaking tulong, lalo na sa mga kababayang kinakapos talaga.


Ang pakiusap lang natin sa kinauukulan, tiyakin na ang mga nakatatanggap ng ayuda ay silang mga karapat-dapat.


Patuloy na siyasatin ang listahan ng mga benepisaryo at suyurin ang mga barangay, lalo na ang mga liblib na lugar para matiyak na nabibigyan ang mga higit na nangangailangan.


Nar’yan na ang pondo, ang kailangan na lang ay maipamahagi ito nang maayos at patas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page