top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

12 hours hinintay sa airport ng fans, Anntonia Porsild, sinalubong ni Michelle Dee

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 30, 2024




Dumating sa Pilipinas ang first runner-up ng Miss Universe 2023 na si Anntonia Porsild ng Thailand noong Lunes ng gabi. Sinalubong naman siya sa airport ng kanyang matalik na kaibigan na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, kaya't lalong kinilig ang kanilang mga tagahanga.


Tinawag na "PorDee" sa social media ang mga fans ng 2 beauty queens. Ipinakita nila ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at pagdadala ng mga banner at mga pirasong papel na may nakasulat na "Marriage Certificate."


Masayang nag-pose ang dalawa kasama ang mga fans, na ang ilan pa sa kanila ay naghintay sa airport ng higit sa 12 na oras.


Sinabi ng half-Thai, half-Danish na si Anntonia na ito ang kanyang unang pagbisita sa Pilipinas."It's gonna be very exciting, and fans will love what comes out of this trip.''

Ngunit nilinaw niya na magkakaroon lamang siya ng “very short trip” dahil aalis agad siya bukas, Enero 31.


Nang tanungin naman tungkol sa sikreto ng kanilang chemistry, nagbigay ng kanilang mga tugon ang dalawang beauty queens.


"PorDee stands for unity. We've created a sisterhood," paliwanag ni Michelle.


Binigyang diin din ni Anntonia na, " We're both very true to who we are and that's how we connected. We are friends with genuine authenticity."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page