top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

12-anyos, namaril sa iskul, 1 patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 3, 2024




Arestado ang isang 12-anyos na suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Finland, kung saan isang 12-anyos din ang namatay at dalawa ang malubhang nasaktan.


Ayon sa mga otoridad, tinangka ng suspek na tumakas ngunit nahuli rin agad ng pulisya.


Nangyari ang insidente sa paaralan ng Viertola sa Vantaa, bandang alas-9 ng umaga noong Martes.


Lisensyado sa isang kamag-anak ng suspek ang baril na ginamit.


Sa ngayon, hindi pa alam ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaril. Nahaharap naman ang suspek sa mga kaso ng 'murder' at 'attempted murder.'

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page