top of page

11 taon naka-move on… PAOLO, ‘DI NAGBIGAY NG P3M, SEX VIDEO IKINALAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20
  • 3 min read

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 20, 2025





Hindi malilimutan ni Paolo Bediones ang petsang Hulyo 27, 2014 dahil ito ang araw na kumalat ang pribado at intimate videos niya na sumira ng kanyang career at pagkatao.

Ikinuwento ni Paolo sa interview niya sa PEP.ph na naisipan niyang papalitan ang baterya ng kanyang laptop noong 2010.


Aniya, ipinagkatiwala niya ang kanyang laptop para palitan ang baterya. Binuksan ng computer technician ang kanyang laptop pero lingid sa kanyang kaalaman, nabuksan at nakita ng technician ang mga maseselang videos niya. At dito na kumalat sa social media ang video ni Paolo kasama ang kasiping na ‘starlet’.


Kuwento ng dating newscaster at TV host, sa loob ng 4 na taon, nag-umpisang makatanggap siya ng pagbabanta mula sa isang tao na ikakalat ang mga sex videos niya kapag hindi siya nagbigay ng tatlong milyong piso. 


Hula ni Paolo, galing ang pananakot sa kaparehong technician na kanyang pinagkatiwalaan.


Kuwento ni Paolo, “They never found out who it was, also because at that time, it spread too quickly to pinpoint the origin.


“I remember receiving the letter while I was doing my radio program around 2010, I called the number and they were asking for P3 million.


“They communicated via mailed letter for four years and kept sending it to my place of work.

“All the evidence was turned over to the authorities who tried to assist me.


“I guess when they realized they would get nothing from me, that’s when they released it.”

Ibinahagi ni Paolo sa Cabinet Files ang kopya ng sulat ng salarin..


“Hawak ko ngayon ang mga sex video mo. Madali naman akong kausap! Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako. Hintayin ko ang tawag mo!


“‘Wag mo patagalin, mainipin ako,” sey ng caller at nag-iwan ito ng cellphone number kung saan siya dapat tawagan.


Hindi na nalaman ni Paolo ang taong nasa likod ng pagkalat ng mga videos para siya pagkaperahan.


Ginawa raw niya ang lahat ng mga paraan upang mabura sa internet ang mga kopya pero nabigo siya.

Aniya, “I hired ‘experts’ who claimed they could do it and order the take downs… then… you can guess what happened after they were paid.”


Pero makaraan ang 11 taon, naka-move on na si Paolo at natanggap na raw niya ang buong pangyayari kaya may kapayapaan na ang kanyang kalooban.


Isasalaysay ni Paolo ang matinding pagsubok na naranasan niya sa pamamagitan ng video essay na may pamagat na How to Take Back Your Life When the World Around You Collapses.


Mapapanood ito sa YT channel ng Peanut Gallery Media Network.

Ani Paolo, umaasa siyang makakatulong ang kanyang video essay sa mga taong nakararanas ngayon ng pinagdaanan niya noon.

Pahayag niya, “I am just hoping through the video, I can help other people who are going through anything similar, so they know there is a way to handle it and come out not just surviving but one day thriving.”


Libre sa fans… MOVIE TRIBUTE KAY NORA, IPAPALABAS SA B-DAY NIYA


DAHIL kaarawan ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa May 21, may invitation para sa special screening ng Faney, na of course ay pinangungunahan ni Nora at produced ng Frontrow Entertainment, Intele Builders, Noble Wolf, at AQ Films.


Free admission o walang bayad sa lahat ang special screening ng Faney sa Wednesday, May 21, sa Gateway Cineplex, Araneta Center, Cubao.


Sey ng direktor na si Direk Adolf Alix, “Invitational po ito at saka para po talaga sa mga fans ni Ate Guy. ‘Yun ang gusto ng mga producers. Kasi ibalik muna sa mga taong minahal ni Ate Guy.”


Naunang dinagsa ng mga Noranians ang screening ng Nora Aunor films na Atsay, Tatlong Taong Walang Diyos, at ‘Merika noong Mayo 18, Linggo, sa Metropolitan Theater ng Maynila.


Ayon kay Direk Adolf, hindi man magkasya ang mga Noranians sa unang screening, may paraan para makapanood ng Faney.


Aniya, “Magkakaroon naman po ito ng iba pang screenings. Kumbaga, ito ngayon, para lang po muna talaga to give tribute sa birthday ni Ate Guy.”

Bida sa Faney ang director at veteran actress na si Laurice Guillen bilang diehard Noranian na si Milagros Jacinto. Co-stars dito ni Laurice si Gina Alajar at ang introducing na si Althea Ablan.


Sa teaser ng Faney na ipinost ni Direk Adolf Alix, Jr. sa Facebook (FB), in-emote ni Lola Bona ang iconic lines ni Nora sa mga pelikulang Minsa’y Isang Gamu-gamo (1976, directed by Lupita Kashiwahara), The Flor Contemplacion Story (1995, directed by Joel Lamangan), Bilangin ang Bituin sa Langit (1989, directed by Elwood Perez), at Ina Ka ng Anak Mo (1979, directed by Lino Brocka).


Reminiscent iyon ng isang eksena ni Loida Verano (karakter ni Nora) sa MMFF 1995 official entry na Muling Umawit ang Puso directed by Joel Lamangan.


May eksena sa Faney na inspired ng eye-to-eye confrontation nina Nora Aunor at Vilma Santos sa 1978 film na Ikaw ay Akin (IAA) directed by Ishmael Bernal.

May special participation sa Faney sina Perla Bautista, Bembol Roco, Ian de Leon, Angeli Bayani, at Roderick Paulate.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page