Search
  • BULGAR

11-K manggagawa, nawalan ng work dahil sa pagiging sensitive ni P-Duterte

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 13, 2020



PARANG KUMUHA NG BATONG IPINUKPOK SA KANILANG ULO ANG MGA DDS NA EMPLEYADO AT TALENTS NG ABS-CBN—Parang kumuha ng bato na ipinukpok sa kanilang ulo ang mga DDS workers at talents ng ABS-CBN na nangampanya at bomoto kay P-Duterte noong 2016 Presidential election.


Laking gulat nila dahil imagine, ang kandidato na kanilang sinuportahan para maging pangulo ay ito pala ang magpapasara sa pinapasukan nilang kumpanya, boom!

◘◘◘


MASYADONG SENSITIVE SI P-DUTERTE—Matapos ibasura ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na madaling magpatawad ang Pangulo kung nararamdaman niyang sinsero ang humihingi ng tawad, samantalang ayon naman kay Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, hinihintay lang niyang magpakumbaba ang pamilya Lopez.


Dahil d’yan, nalaman ngayon ng publiko na masyadong sensitive o maramdamin pala si P-Duterte at ang ugali niyang ‘yan ang isa sa mga dahila kung bakit shutdown na ngayon ang ABS-CBN, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


RAKET NA LOTTENG, EZ-2 AT JUETENG NAGBALIK NA SA QC—Nagbalik-operasyon na raw ang raket na lotteng, EZ-2 at jueteng nina “Jessie”, “Tepang” at “Pening” sa Quezon City.


Paging Mayor Joy Belmonte, baka puwedeng pakihirit kay QCPD Director Gen. Ronnie Montejo na “i-tokhang” ang mga ilegalistang ito kasi may krisis na nga ang bansa, may mga nanraraket pa sa QC, period!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.