top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

11-anyos, inabuso ng stepdad

Writer: BULGAR
BULGAR
19 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | November 6, 2026



11-anyos, inabuso ng stepdad

Photo: File



Kulong ang 28-anyos na lalaki matapos akusahan ng seksuwal na pang-aabuso sa 11-anyos na anak ng kanyang kinakasama sa Malabon City.


Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, wala sa kanilang bahay sa Brgy.Catmon ang ina ng biktima nang halayin umano ng suspek noong Martes ng madaling-araw.


Pinagbantaan umano ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong subalit, naglakas loob pa rin ang bata na sinabi sa kanyang ina ang ginawa ng amain.


Humingi ng tulong sa pulisya ang mag-ina kaya agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni P/Maj. Joseph Alcazar, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page