top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

₱10K dagdag-honoraria sa poll workers, ‘wag haluan ng korupsiyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | August 24, 2023


Ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na ang honoraria para sa mga poll workers ay ginawa nang P10,000 para sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia na ang pagtaas ng honoraria ay mula sa naipon ng poll body.


Sinabi ni Garcia na sa halip na P6,000 at P5,000, nagpasya ang Comelec na gawing P10,000 at P9,000 ang ibibigay sa chairman at members ng electoral board na honoraria.


Ibig sabihin aniya, tinaasan nila ang honoraria based na mula sa kanilang naipon at natipid sa mga procurement.


Bukod dito, ayon opisyal, ang mga poll workers sa mga lugar kung saan isasagawa ang plebisito gaya ng sa Bulacan ay tatanggap ng karagdagang P2,000.


Parehong additional amount ay ibibigay sa mga poll workers sa Naga at Muntinlupa kung saan magbubukas ang maagang voting hours para sa mga senior citizen, persons with disabilities, at mga buntis.


Ang DepEd Supervisor Official (DESO) ay makatatanggap ng P9,000 para sa poll duty. Sa kabilang banda, ang support staff ay tatanggap naman ng P5,500.


Para sa death benefit, nagkakahalaga ng P500,000 ang ibibigay para sa mga nasawi dahil sa election-related risk. Ang medical assistance na hindi hihigit sa P200,000 ay ibibigay naman sa mga makararanas ng pinsala o pagkakasakit kaugnay ng eleksyon.


Ayon sa Comelec, mayroong 823,539 poll workers na magsisilbi sa gaganaping BSKE, at may kabuuang 91,094,089 voters ang nagparehistro para sa BSKE 2023 noong Hunyo 19, habang mayroong 37,259 voting centers sa buong bansa.


Para sa barangay level, mayroong 425,964 na itinatag na precincts. At sa SK level naman, mayroong 421,225. Ang BSKE 2023 ay gaganapin sa Oktubre 30.


Mainam ang naging desisyon na ito ng gobyerno na dagdagan ang honoraria ng mga magsisilbing poll workers sa nalalapit na eleksyon.


Malaking tulong ang karagdagang take home pay para sa kanila at maging sa pamilya dahil sa batid naman natin ang patuloy na pagtataas ng mga presyo ng mga bilihin sa ngayon.


Tiyak na mas sisipagin ang mga ito at lalong pang paghuhusayan ang kanilang trabaho.


Hiling lang natin sa kinauukulan, na hindi sana mahaluan at magamit sa anumang korupsiyon ang ibibigay nila sa mga poll worker. At sana rin, maging mapayapa ang ating eleksyon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page