106-anyos, pinakamatandang Filipino na nagka-COVID, nakaligtas
- BULGAR

- Oct 20, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 20, 2020

Isang 106-anyos na lalaki mula sa Barangay Irisan, Baguio City ang gumaling sa COVID-19 at siya rin ang hinirang bilang pinakamatandang Filipino na nagkaroon at gumaling sa virus, ayon sa Baguio City Health Office.
Ayon sa Baguio City health officer na si Dr. Rowena Galpo, lumabas ngayong Martes, Oktubre 20, sa Baguio General Hospital ang matanda.
Siya ay na-admit nang 11 araw dahil nakaranas umano ng mild symptoms.
Isa ang bayan ng Irisan, kung saan naninirahan ang matanda, sa mga nakapailalim sa selective lockdown dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa ngayon ay mayroong 589 active cases ang Baguio City at may kabuuang 1,704.





Comments