10 schools, babanat sa NAASCU sa Cuneta
- BULGAR

- Oct 14, 2023
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | October 14, 2023

Mga laro sa Sabado – MOA
9 a.m. ADMU vs. FEU (W)
11 a.m. UP vs. UST (W)
2 p.m. ADMU vs. FEU (M)
4 p.m. UP vs. UST (M)
Sampung paaralan ang magtatagisan sa pagbubukas ng ika-21 National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) ngayong Oktubre 23 sa Cuneta Astrodome. Hahanapin ng defending champion St. Clare College of Caloocan ang pang-anim na sunod at pangkalahatang ika-7 kampeonato sa Seniors Basketball subalit hindi ito magiging madali at nagpalakas ang lahat ng mga kalahok.
Sisikapin na alisin sa trono ang Saints ng pumangalawa noong nakaraang taon Enderun Colleges at mga naglaro sa Final Four na Our Lady of Fatima University at AMA University. Nais makabawi ng Philippine Christian University at Manuel L. Quezon University habang magbabalik sa liga ang City University of Pasay, New Era University, Holy Angel University at University of Makati.
Lahat ng mga koponan ay apektado ng pagtatapos o paglipat ng kanilang mahahalagang manlalaro subalit natakpan ito ng masipag na paghanap ng kanilang mga kapalit. Tiyak may mga sorpresa ang mga lumiban noong nakaraang taon habang magbabalik ang UMak sa liga matapos maghain ng liban matapos ang 2010-2011.
Ang bagong taon ay hudyat din ng pagbabalik-aksiyon sa Juniors at Women’s Division na huling ginanap noong 2019. Ang St. Clare Junior Saints at Enderun Lady Titans ang mga nagkampeon noon.
Anim ang maglalaro sa Juniors na St. Clare, Enderun, AMA, Fatima, PCU at New Era. Ang anim na nabanggit ay kasali rin sa Women’s at idagdag ang UMak bilang ika-pito.
Matapos ang unang araw sa Cuneta ay iikot ang mga laro sa mga paaralan na wala nang health at safety protocol na kabaligtaran noong Season 20. Ang Novadeci Convention Center, ang eksklusibong tahanan ng NAASCU noong 2022 ay magdaraos ng laro sa playoffs.








Comments