top of page

1 pulis, patay sa COVID-19

  • BULGAR
  • May 17, 2021
  • 1 min read

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 17, 2021




Isang pulis ang nadagdag sa listahan ng Philippine National Police (PNP) na namatay nang dahil sa COVID-19, kaya umabot na sa 61 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw, batay sa tala ng PNP Health Service ngayong umaga, May 17.


Samantala, tinatayang 20,456 ang lahat ng mga gumaling, mula sa 85 na nakarekober ngayong araw.


Sa kabuuang bilang nama’y 21,924 na ang naitalang kaso, kung saan 69 ang nagpositibo, kaya umakyat na sa 1,407 ang active cases ng COVID-19 sa mga kapulisan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page