1 dekada na ang raket na AGRI-Smuggling ni 'Leah Cruz' pero 'di pa rin siya nakukulong
- BULGAR
- Feb 27, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 27, 2023
DAHIL WALANG DIREKTIBANG ‘NO-TAKE POLICY’ SI GEN. HIDALGO, NAGPIYESTA ANG MGA GAMBLING LORDS SA CENTRAL LUZON—Pang-anim na araw na ngayong nanunungkulan sa puwesto si newly-appointed Police Region 3 Director, Brig. Gen. Jose Hidalgo, pero hanggang ngayon ay wala pa siyang idinedeklarang “no-take policy” para maiwasan ng mga kapulisan sa kanyang jurisdiction ang tumanggap ng payola o ‘tongpats’ sa mga ilegalista.
Dahil wala pang direktibang ‘no-take policy,’ nagpiyesta ang mga gambling lords sa Central Luzon sa pagpapalaganap ng kanilang raket na sakla, lotteng, drop balls, color games at STL-con jueteng sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Bataan, Nueva Ecija at Zambales. Tsk!
◘◘◘
BAKIT ‘DI NAGDEKLARA NG ‘NO-TAKE POLICY’ SI GEN. HIDALGO?—Karamihan sa mga naitalagang police regional directors sa panahon ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin ay mga nagdeklara ng ‘no-take policy’ sa layuning malinis ang hanay ng kapulisan at matigil ang protection racket o pagbibigay-proteksyon sa raket ng mga gambling lords.
Kaya ang tanong, bakit hindi nagdeklara si Gen. Hidalgo ng ‘no-take policy’ sa mga kapulisan sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Bataan, Nueva Ecija at Zambales? Boom!
◘◘◘
IMBESTIGASYON NG SENADO AT KONGRESO SA MGA AGRI-SMUGGLERS, WALANG KUWENTA—Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso at mabulgar dito ang agri-smuggling at hoarding ng mga smugglers, wala namang ginawang aksyon ang mga senador at kongresista laban sa mga agri-smugglers na sina ‘Leah Cruz,’ ‘Michael Yang,’ ‘David Bangayan,’ ‘Paul Teves,’ ‘Manuel Tan,’ ‘Andrew Chang,’ ‘Jun Diamante,’ ‘Lujene Ang,’ ‘Beverly Peres,’ ‘Lucio Lim’ alyas ‘Aaron’ at ‘Michael Ma’ na may koneksyn kay Martin Araneta na utol ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Dahil d’yan ay lumalabas na walang kuwenta ang mga senate at house probes na ginagawa ng mga senador at kongresista sa mga taong lumalabag sa batas at nagpapahirap sa mamamayan, period!
◘◘◘
HALOS ISANG DEKADA NA ANG RAKET NA AGRI-SMUGGLING NI ‘LEAH CRUZ,’ PERO ‘DI PA RIN SIYA NAKUKULONG—Taong 2013 nang mabulgar sa isinagawang imbestigasyon ng senado at kongreso ang raket na agri-smuggling at hoarding ni ‘Leah Cruz’ at makalipas ang 10 taon, ang pangalang ito pa rin ang pumuputok na may pinakamalawak na agri-smuggling operation sa buong bansa.
Mantakin n’yo, isang dekada na ang raket ni ‘Leah Cruz’ at alam naman ito ng mga senator at kongresista na nag-imbestiga sa kanya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naipapakulong. Buset!





Comments