1.8 M indibidwal nabakunahan sa Bayanihan, Bakunahan part 4 — DOH

ni Lolet Abania | March 18, 2022

Umabot sa 97 porsiyento ng target ng gobyerno ang nabakunahan sa kanilang ikaapat na national vaccination drive kontra-COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa isang media forum ngayong Biyernes, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahigit sa 1.8 milyon doses ang na-administered sa mga indibidwal hanggang nitong Marso 17 bilang bahagi ng 4th “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive (NVD 4).
“The Bayanihan, Bakunahan reached 97% of its target. As of March 17, 2022, 1,814,315 na bakuna ang ating naiturok sa ating mga kababayan sa ating Bayanihan, Bakunahan Part 4 program,” ani Vergeire.
“Maari pa po kayong humabol ngayong hapon dahil ngayon po ang huling araw ng Bayanihan, Bakunahan 4,” sabi pa niya.
Layon ng DOH na makapagbakuna ng kabuuang 1.87 milyon vaccine doses sa pinakabagong vaccination drive.
Ayon kay Vergeire, ang mga nabakunahang indibidwal ay mga miyembro ng indigenous people na naninirahan sa aniya, “geographically isolated and disadvantaged areas.”
Ang NVD 4 ay orihinal na nakaiskedyul noong Marso 10 hanggang 12 subalit in-extend ito para sa general population hanggang nitong Martes at para sa mga senior citizens hanggang ngayong Biyernes.





Comments