Search
  • BULGAR

1,500 kawani ng Coast Guard nakarekober na sa COVID-19

ni Lolet Abania | September 23, 2020



Umaabot sa 1,500 personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinamaan ng Coronavirus ang nakarekober na sa sakit.


Sa pinakabagong datos ng PCG, naitala na sa 1,569 na kawani na infected ng virus, may kabuuang 1,492 ang nakarekober dito. Mayroon na lamang 77 active cases sa kanilang personnel.


Wala ring record ng namatay, ayon sa Coast Guard. Samantala, sa layuning maiwasan ang pagkalat at transmission ng COVID-19 sa kanilang hanay, pormal nang bubuksan ngayong buwan ng PCG ang kanilang quarantine facility na may 224 beds para sa mga frontliners.


"This facility will allow the PCG Medical Service to better manage the active COVID-19 cases within the organization for their speed recovery and rehabilitation," ayon sa PCG.


Dagdag pa rito, patuloy ang ginagawang swab testing sa staff at personnel ng PCG. Tinitiyak ng pamunuan ng Coast Guard na regular ang supply ng vitamins, PPE sets at medical supplies.


Nagpapatupad din ng mahusay na deployment upang masiguro na ang isang frontline personnel ay nagkakaroon ng pahinga sa kanilang trabaho, nakakakain ng masusustansiya para lumakas ang immune system nito at gumagamit ng UV lights bilang karagdagan sa manual disinfection ng kanilang work stations at iba pang lugar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.