IVANA, UMAMING 2 LANG ANG BRA, 8 YRS. NA!
- BULGAR

- Oct 7, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 7, 2020

Inamin ni Angelica Panganiban na noon pa ma’y hindi siya komportable sa size ng kanyang boobs at wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ito.
As we all know, isa si Angelica sa ating mga well-endowed actresses at asset niya nga ito, actually. Little did we know na hindi pala siya proud dito.
“Ever since bata ako, insecurity ko siya (having big boobs), eh,” pag-amin ni Angelica sa episode 2 ng kanyang digital show na Ask Angelica.
“Parang mas una kasi akong nag-mature sa… physically. Mas unang lumaki ‘yung boobs ko kaysa sa iba kong kasabayan,” she added.
Kaya ang feeling daw niya noon ay parang out of place siya at gusto nga niyang itago ang kanyang boobs.
“Parang na-out of place ako, parang ‘Bakit ganito? Bakit hindi naman ganu’n katulad ng sa iba kong mga kaibigan?’ Kaya lagi akong naka-slouch kasi gusto ko siyang parang itago. Gusto ko nu’n, mahaba ‘yung hair ko para natatakpan siya. So, hindi talaga ako komportable sa kanya ever since,” sey pa ni Angge.
Napunta ang usapan sa boobs dahil sa isang netizen na humihingi ng advice dahil flat-chested siya.
Tinanong naman ni Angelica ang guest niyang si Ivana Alawi kung mas gusto rin ba nito ang maliit na boobs.
“Actually, hindi ko maintindihan kung malaki ba siya or maliit,” natatawang sabi ni Ivana.
“Kasi, parang Cup B lang talaga siya. It’s not naman Double D or. . . Cup B lang ako. Kaya actually, ayokong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki,” sabi ni Ivana.
Natanong nga rin ang sexy star kung ilan ang bra niya at sey niya, “Dalawa, pramis, 8 years na ‘yung bra ko.”




Comments