top of page

Angel, diring-diri sa pag-endorso noon kay Sen. Koko

  • Ronalyn Seminiano
  • Mar 26, 2020
  • 4 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nag-trending sa Twitter si Angel Locsin dahil sa sagot niya sa tanong ng isang netizen kaugnay ng naging pag-eendorso niya noon kay Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III bilang senador.

Ngayon ay nasa hot water ang senador matapos ngang kumalat ang balitang sinamahan nito ang buntis na misis sa Makati Medical Center kahit pa PUM (person under monitoring) siya kung saan nagpa-COVID-19 test si Sen. Koko nu’ng March 20 at hinihintay pa ang resulta hanggang ngayon.

Sey ng netizen, “Do you regret that you campaigned for him then in a TV ad? Voted for him because of you.”

Reply ni Angel, “Yes. Super. Mortal sin. Patawarin n’yo po ako bilang ex-husband po s’ya ng pinsan ko.”

Komento naman ng isa pang netizen, “‘Di na mauulit, ha. Pinky promise? Hahaha.”

At ang sagot ng aktres, “Nakailang eleksiyon na rin naman pong hindi naulit.”

May nag-post naman ng picture nilang magkasama ni Sen. Koko at simpleng “Eww” lang ang komento ni Angel pero malinaw naman ang ibig sabihin nu’n.

Umabot sa 10.6K tweets ang #AngelLocsin dahil dito habang umabot naman sa 25.2K tweets ang #KokoResign.

◘◘◘

Dream house ni Kathryn, sisimulan na

Inulan ng birthday greetings si Kathryn Bernardo sa Twitter at nag-trending din ang #KathrynBlessedAt24.

Ipinost ni Kath sa kanyang Twitter account ang YouTube channel link niya with the caption: “Dreams do come true! Welcoming my bday this year with one of the greatest gifts I could possibly ask for: my family’s dream house. The construction of our future home officially began and I want to share this special moment with all of you.”

Sa YouTube, ipinakita niya ang lugar na pagtatayuan ng bahay nila na aniya, “Our first ever house na gagawin from the scratch. So, andito ‘yung buong family and ‘yung mga loved ones namin.

“Finally, after three years, we’re gonna start building our new house so, yey! It’s a special day!”

Kasama rin ni Kath ang reel and real sweetheart niyang si Daniel Padilla. Napakalawak ng pagtatayuan ng kanilang bahay at nagdasal muna sila bago simulan ang unang hakbang.

Sey din ni Kath, “Ngayon, kakain tayo ng ano… according to our Feng Shui master, kakainin daw ‘yung mga pagkain na umaalsa para raw tuluy-tuloy ang suwerte.”

Tinanong ni Kath ang kanyang madir kung ano ang wish nito sa kanilang bahay.

Sey ni Mommy Min, “Ang major wish ko lang, ‘wag akong pumangit ‘pag natapos ‘tong bahay na ‘to. Pumapangit daw ‘yung mga nagpapagawa ng bahay. Hindi, talaga, excited lang ako.

“Hopefully, walang aberya, matapos ‘to nang dire-diretso para pagka-25 years na ‘yung anak ko, ang ganda-ganda nu’ng dito ‘ko magse-celebrate ng birthday niya.”

Sey naman ni Kath, “Finally, natuloy na ‘yung house kasi ang tagal na nitong pinaplano pero parang ‘di siya meant pang mangyari three years ago, and then, last year. And ayun, finally, matutuloy na siya.

“Actually, aside sa ‘kin, ‘yung bahay na ‘to talaga, for mama and papa, ito ‘yung dream house nila. So lahat ng tinrabaho at puyat ko, ito, mangyayari na siya.”

Biglang sumabat ang nanay ni Kath ng “Puyat ko rin ‘yun.”

Kaya sabi ni Kath, “And puyat din niya. Lahat ng stress and lahat, so excited ‘yung buong family.”

As of this writing ay umani na kaagad ng 36K likes at 259,329 views ang naturang YT post ni Kathryn.

◘◘◘

Sen. Koko, todo-paawa na nadi-discriminate, binanatan ni Agot

GUMAWA ng malaking ingay ang balitang pagsama ni Sen. Koko Pimentel sa kanyang asawa sa Makati Medical Center dahil positibo siya sa COVID-19.

Pahayag ng Medical Director ng MMC na si Saturnino Javier, “He violated his home quarantine, exposed health workers to possible infection, and therefore, to me, that is reckless and unacceptable.”

Maging ang mga showbiz personalities at kapwa-pulitiko ay nagpahayag din ng kani-kanilang opinyon at pagkainis sa ginawa ni Sen. Koko.

Sey ni Jake Ejercito, “Poor is guilty until proven innocent, rich is innocent until proven guilty.”

Post naman ni Teddy Corpuz, “Koko Pimentel, ask lang po…

Ipinost din ni Agot Isidro ang naging pahayag ni Sen. Koko na… “Understand ko ‘yung natatakot pero ‘wag masyadong mag-discriminate kasi ngayon ko nararamdaman ‘yung discrimination actually.”

Buwelta ni Agot, “Your privilege discriminated other people from taking the test. You knew you were at risk.

“Sumunod kami sa patakaran. Senador ka, kayo ang gumagawa ng mga patakaran. At magpapaawa ka ngayon? ‘Wag kami, Koko. ‘Wag ngayon.”

Kasabay nito, may kumalat din na meme sa socmed kung saan nakalagay ang kumpirmadong bilang ng mga COVID-19 positive cases, new cases, deceased, recovered at sa huli ay may idinagdag na kategoryang “tanga” kung saan isa ang positibo.

Komento naman ng mga netizens: “‘Yung sinasabi ng mga tao sa kanya na ‘Tanga’ siya, hindi discrimination ‘yun kundi DESCRIPTION.”

“Paano susunod sa patakaran ang mga tao kung ganyan naman ang mga namumuno? Alam namin na nagkakasakit din kayo pero mas kailangan ‘to ng mga PUI at mga frontliners. ‘Pag ba naubusan na tayo ng mga frontliners, kayo ba ang papalit?”

“Ang childish ng reasons niya sa totoo lang. It’s even far from acceptable, jusko!”

Dahil dinumog ng hate posts ang senador, sey ni Juan Miguel Severo sa Twitter, “Hindi ako ‘yung tipong hihiling na may masamang mangyari sa iba pero hindi ibig sabihing hindi ako dinadapuan ng kaunting tuwa kapag may mga dinatnan na ng karma sa wakas.”

 
 
 

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page