top of page

HOROSCOPE | Hulyo 24, 2019 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 24, 2019 (Miyerkules): Bilis ang magdadala sa iyo sa ma­raming tagumpay. Kaya kahit kailan sa lahat ng pa­nahon ay huwag na hu­wag kang mag-aalinla­ngan sa iyong kakayahan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ka magpunta, na­kasunod sa iyo ang mga suwerte. Hini­hin­tay nito na maging po­sitibo ka, kaya ang mga negatibong pananaw ay ibasura mo na. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, sa pag­dikit mo sa mga masa­ya­hin, ang mga suwerte mo ay mabilis na magdara­tingan sa iyong buhay. Ma­ganda kung lalayo ka sa mga iyakin at pa­la­daing. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-18-21-27-30-35-38.

GEMINI (May 21- June 20) - Mananatiling nakaalalay sa iyo ang langit. Wala kang dapat ipag-alala kahit pa ang mga kagustuhan mo ay may pagkaimposible o mahi­rap mangyari. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-8-9-15-16-26-30.

CANCER (June 21- July 22) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang mga kagustuhan mo. Ito ang sikreto para hindi ka mabigo. Kapag ang mga kilos ay positibo, positibo rin ang magiging re­sulta nito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-18-22-36-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag­dahan-dahan ka! Sa pagi­ging mara­han, nakikita at maaagapan ang mga hindi magagan­dang puwedeng mang­yari. Muli, magdahan-dahan ka! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-35-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makipagsapa­laran ka at mananalo ka dahil ang mga nanalo ay na­kipagsapalaran, pero ang takot na makipagsa­pala­ran ay maibibilang ka­agad sa mga talunan. Ito ang men­­sahe para sa iyo. Masu­­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-19-23-33-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong wa­lang magawa kundi ang intrigahin ang buhay mo. Magsasayang ka lang ng oras na puwede mong ila­an sa makabuluhang mga ba­gay. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-16-24-29-30-35-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka! Aktibo ang mga manda­raya na idinaraan sa mata­tamis na salita ang panlo­loko sa kapwa. Kapag na­pansin mong ang kausap mo ay ganu’n, lumayo ka na agad. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-16-17-21-25-31-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat maiwan. Kapag ibini­gay ng karibal mo ang lahat ng makakaya nila, ibigay mo rin ang todong-lakas mo. Sa ganito, mana­natili ka pa ring angat sa kanila. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-14-18-26-30-36-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang takot mo ngayon na su­gurin ang katuparan ng iyong malalaking panga­rap. Magtataka ka sa sarili mo dahil alam mong ikaw ay likas na mahina ang loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-25-26-36-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mas ma­gandang ga­ba­­yan ka pa rin ng makalumang ka­sabi­han na “daig ng ma­agap ang masipag”. Ito ang tunay na dahilan kung bakit hindi sa­­pat ang kasipagan para uma­senso ka sa buhay. Ma­­su­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-14-23-27-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang sigla ang mapasa­sa­­iyo. Ikaw ay ma­kikitang kung anu-ano ang iniisip at gustong ga­win. Ito ay malinaw na pa­latandaan na nagsisi­mula na ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-19-20-26-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page