top of page
Search
  • A.Servinio

ENDERUN AT CEU, MAGSUSUWAGAN PARA SA KAMPEONATO NG MNCAA


ANG walang talong Enderun Colleges at defending champion Centro Escolar University ang magtatagisan para sa kampeonato ng 15th Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) matapos nilang walisin ang kanilang mga kalaro sa semifinals noong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang seryeng best-of-three ay nakatakdang simulan sa Marso 10. Nakamit ng Titans ang kanilang ika-anim na sunod na tagumpay nang talunin muli ang University of Makati, 92-51.

Panalo naman ang Scorpions sa Philippine Women’s University, 63-52. Kahit marami sa kanilang pangu­nahing manlalaro ang lumiban, ipinakita ng Enderun ang lalim ng kanilang koponan. Noong nakaraang linggo, tinalo ng Titans ang Herons sa pagsara ng elimination round, 63-52.

Pagkatapos gumawa ng 22 puntos sa buong elimination round, nagbuhos ng 20 ang guwardiyang si Alschea Grape para sa Titans. Sinundan siya ng kakamping Pranses na si Elian Goethals na gumawa ng 18 puntos kumpara sa 17 sa unang limang laro.

Asam ng Scorpions ang ikatlong sunod na MNCAA tropeo pero mabagal ang kanilang simula dahil hindi makagawa si Malick Diouf na nagtapos na may tatlong puntos lang kum­para sa kanyang average na 22.0 noong elimination. Kumilos ang CEU noong 2nd quarter at nalimitahan ang Patriots sa 7 puntos lang para sa 56-23 na kalamangan at hin­di na nila ito pinakawalan. Binuhay ng mga beteranong sina Christian Uri at Keanu Caballero ang kampanya ng CEU na parehong may 15 puntos. Gumawa rin ng 12 si Joshua Abastillas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page