‘Zombie drug’ sa vape, estudyante nadale
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 9, 2026

Photo: Circulated
Nawalan ng malay ang isang estudyante matapos gumamit ng vape na naglalaman umano ng 'saba-saba' o 'zombie drug' sa Zamboanga City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, bigla umanong hinimatay ang hindi pinangalanang estudyante matapos mahithit ang saba-saba gamit ang vape.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung saan nanggaling ang saba-saba vape na ginamit ng estudyante.
Kaugnay nito, nagbabala ang Zamboanga City Medical Center Poison Control Center sa mga gumagamit ng vape sa panganib na dulot ng saba-saba dahil nagtataglay ito ng mataas na concentration ng nicotine, cannabinoids, synthetic chemicals at iba pang nakakalasong compounds na maaaring magdulot ng matinding pagkalason na maaaring ikapahamak ng gagamit nito.
Batay sa inilabas na babala ng Poison Control Center, maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ang paggamit ng zombie drug tulad ng pagkawala ng malay, matinding pagkalason, respiratory distress, kombulsyon, komplikasyon sa puso kabilang na ang cardiac arrest o atake sa puso at pagkamatay.
Nagbabala rin ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 9 dahil marami ang gumagamit sa saba-saba vape na maaaring magdulot ng pinsala o kamatayan.





Comments