top of page

Youtuber na si Emman Nimedez, pumanaw na sa edad na 27

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | August 16, 2020




Pumanaw na ngayong Linggo, August 16, si Emman Nimedez na isang Youtuber matapos makipaglaban sa sakit na myeloid leukemia sa edad na 27. Ito ay kinumpirma ng kaniyang girlfriend na si Peachy Santos sa kaniyang Facebook page.

Una nang inanunsiyo ni Emman na siya ay nagkaroon ng ganitong cancer kung saan naapektuhan nito ang bone marrow noong Mayo. Matapos ang isang buwan ay sinabi nitong nasa maayos na siyang kalagayan dahil sa unang cycle ng chemotherapy.

Noong July 24, nakapag-share pa ito ng kaniyang selfie upang ipaalam sa kaniyang followers na maayos ang kaniyang kalagayan at sa bahay na lamang siya magpapagaling.

Noong August 9, nag-post ito na nangangailangan siya ng blood donor at agad itong tinulungan ng mga kaibigan niya sa industriya.

Bukod pa rito, nagsagawa rin ng charity fund sina Cong TV kasama ang Team Payaman sa pamamagitan ng paglalaro ng mobile games. Bumuhos din ang tulong nang ibigay ni Viy Cortez ang lahat ng mabebenta nitong lip & cheek tint na si Emman mismo ang nakadisenyo.

Dinala si Emman sa ICU sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City noong Huwebes at pumanaw ito kaninang 1:00 ng medaling araw.

Bukod sa pagiging content creator simula 2011, nakilala rin si Emman bilang Pambansang Oppa noong 2017. Bukod pa rito, nakilala rin siya dahil sa mga kanta nitong “Teka Lang”, “Kung Puwede Lang” at “Uuwian”. Rest in Peace, Emman.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page