top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Yelo, babala ng mga paghihirap

  • BULGAR
  • Jul 8, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 8, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Elmer ng Roxas City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumili ako ng yelo, tapos walang ice cubes, kaya malaking yelo ang ibinigay sa akin. Binili ko naman ito at sa bahay ako gumamit ng kutsilyo para maging cubes ito. Napreskuhan ang pakiramdam ko, lalo na nang makainom ako ng tubig na may yelo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Elmer



Sa iyo, Elmer,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa yelo dahil ito ay nangangahulugan na daranas ka ng katakot-takot na paghihirap sa buhay. Kasama na rito ang iyong negosyo, pamilya at mga kaibigan. Pagkabigo at sigalot ang ibinabadya nito, kumbaga, away pampamilya at iba pang mga pagsubok na pawang hindi maganda ang hatid sa iyong buhay.


Samantala, ang kutsilyo na ginamit mo sa yelo ay nangangahulugan ng mga lihim na kaaway na nagbabalak ng hindi maganda laban sa iyo. Ito rin ay nagpapahiwatig ng kabiguan sa pag-ibig at pagkalugi sa negosyo. Dahil d’yan, maging matatag ka at alalahanin mong ang lahat ay dadaan sa pagsubok, pero kung gagamitin mo ang isipan at mananalig ka sa Dakilang Kataas-taasan, walang iba kundi ang Diyos na may lalang, lahat ay iyong mapagtatagumpayan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page