top of page
Search
  • BULGAR

Year of the Sheep, maghihirap habambuhay kung laging maaawa sa kapwa

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | March 8, 2022


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2022, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Tupa o Sheep, na tinatawag ding Kambing o Goat.


Kung ikaw ay isinilang noong 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003 at 2015, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Ang Kambing o Tupa ay Cancer sa Western Astrology at nagtataglay ng ruling planet na Moon o Buwan, kaya naman kilala siya sa pagiging romantiko at mapagmahal, gayundin bilang sexy at maganda.


Sinasabing higit na nagiging mapalad ang Tupa tuwing sasapit ang ala-1:00 ng tanghali hanggang alas-3:00 ng hapon, higit lalo sa direksiyong timog (south), ganundin sa timog-kanluran (south-west).


Higit na masigla at papabulas ang kapalaran ng Tupa na isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init kung ikukumpara sa kapatid niyang tutulog-tulog na isinilang naman sa panahon ng tag-ulan o tag-lamig.


Bukod sa sobrang mabait at matulungin, kilala rin ang Tupa sa pagiging maawain, kaya naman kung hindi mag-iingat, sila ang paboritong biktimahin ng mga manloloko, gayundin, sila ang kadalasang nauutangan ng kanilang mga kakilala at kamag-anak at wala nang bayaran. Gayunman, wala silang magawa dahil kapag sinisingil nila ang mga taong may pagkakautang, sila pa ang inaaway at pinalalabas na masama.


Kaya kung ikaw ay Tupa, mas mainam na imbes na magpautang, lalo na ng napakalaking halaga sa mga kakilala, mas mainam na bigyan mo na lang siya ng kaunting tulong at ‘wag nang magpautang pa. Dahil kapag nagpautang ka, tulad ng nasabi na, sa bandang huli, kahit ikaw ang tumulong sa kanila, ikaw pa ang lalabas na masama.


Gayundin, kapag ang Tupa ay naging praktikal at pipiliin lamang ang mga taong bibigyan nila ng pabor, kumbaga, ‘yung mga taong makakatulong din sa kanila, ang kabuhayan at aspetong pampinansiyal ng tupa ay uunlad, lalago nang lalago hanggang siya ay yumaman.


Ngunit kung mananatiling mabait, mababa ang loob, maawain at mapagbigay, sa halip na yumaman at umunlad ang kabuhayan, malamang na lalo lang siyang maghirap, lalo na sa kanyang pagtanda.


Dahil dito, ang dapat gawin ng Tupa, habang bata at malakas pa siya ay mag-ipon na siya nang mag-ipon ng maraming pera upang sa kanyang pagtanda ay may mahuhugot siya na pambili ng gamot o pampacheck-up upang hindi siya lumabas na kaawa-aawa sa mga mata ng kapitbahay niya, gayundin sa mga kakilala at mahal niya sa buhay.


Bukod sa tahimik at medyo mahiyain, kilala rin ang Tupa sa pagiging mahina ang loob at may pagdadalawang-isip. Kung magagawa lamang ng Tupa na palaging buuin ang kanyang loob at sumugod nang walang pag-aalinlangan o pagdadalawang-isip, isang maunlad, magaling, maligaya at matagumpay na Tupa ang mabubuo.

Itutuloy



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page