Worried na ‘di makapag-asawa dahil ‘di na virgin
- BULGAR

- Sep 11, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| September 11, 2020

KATANUNGAN
May boyfriend na ako at siya ang first boyfriend ko. Gayundin, may nangyari na sa amin. Gusto kong malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko kahit napansin kong dalawa ang Marriage Line sa kaliwa at kanan kong palad?
Kung hindi siya ang makakatuluyan ko, may lalaki pa bang darating na magmamahal at magpapakasal sa akin kahit hindi na ako virgin?
KASAGUTAN
Wala namang kaugnayan ang virginity sa itinakdang tadhana o kapalaran ng isang babae, lalo na sa tulad mong maganda at bata pa. Sapagkat kung ano ang nakatakda, mas malaki ang tsansa na mangyari ito, anuman ang sitwasyon at kalagayang pampisikal o emosyunal ng indibidwal.
Kapansin-pansin ding maraming mga babae na dati nang may asawa ang nahiwalay sa mister, pero nakapag-asawa ulit, mayroon ding paulit-ulit pang nakapag-asawa, ‘yun pa kayang hindi lang virgin ang hindi na makapag-aasawa?
Ibig sabihin, kahit hindi ka na virgin, walang dahilan o hindi hadlang ‘yun upang hindi makapag-asawa at magkaroon ng masaya at panghabambuhay na pamilya hangga’t may matino at maganda ka namang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad.
Sa kaso mo, kapansin-pansing nabiyak o pumangit ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang hindi ang una mong boyfriend o nakarelasyon ang iyong makakatuluyan. Bagama’t magiging meaningful at mahalaga ang kasalukuyang relasyon, sa bandang huli, ito ay mauuwi rin sa pagtatalusira at paghihiwalay upang bigyang-daan ang pagdating ng ikalawa, mas maganda at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M. arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagpapahiwatig ng mas masaya at matagumpay na relasyon na hahantong sa masaya at panghabambuhay nang pag-aasawa.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Trixy, bagama’t sa kasalukuyan ay iinit pang lalo ang relasyon n’yo ng iyong boyfriend, sa bandang huli ay mauuwi rin sa biglaang paghihiwalay ang inyong samahan. Sa pagpasok ng 2021, sa edad mong 24 pataas, isang bagong pag-ibig at pakikipagrelasyon ang darating, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini. Ang ikalawang pakikipagrelasyong ito (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) ang siya nang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na nakatakdang mangyari sa 2023 sa edad mong 26 pataas.



Comments