top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Worried na ‘di magka-dyowa ulit ‘pag nakipagbreak sa pamilyadong bf

BULGAR
May 21, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 21, 2022



KATANUNGAN


  1. Mahirap pala kapag may karelasyon ka na alam mong mali, pero hindi mo ito mapakawalan. Sa edad ko kasing 33, natatakot akong maiwanan dahil nag-aalala ako na wala nang magkagusto sa akin.

  2. May asawa kasi ang boyfriend ko, pero dahil malambing siya at palaging tumutulong sa akin, kahit may pamilya na siya ay sobrang napalapit ang loob ko sa kanya. Pero nang huling magkausap kami, sabi niya ay medyo nakakahalata na ang asawa niya, kaya kailangang magpalamig muna kami. Siguro, hindi niya lang ako madiretso dahil naaawa siya at hindi niya masabing mag-cool off kami. Wala akong nagawa kahit pakiramdam ko ay ginamit at pinaasa niya lang ako at sa huli ay iiwanan niya rin ako.

  3. Sabi pa niya, mas mabuti ‘yun kaysa mabuntis pa ako at mahirap na raw kung magkakaanak kami dahil mas magiging malaki raw ang problema. Pero sa totoo lang, okay lang sa akin kahit maanakan niya ako dahil ‘yun lang ang habol ko kung sakaling hindi na ako magkaka-boyfriend ulit nang sa gayun ay may makasama ako sa pagtanda.

  4. Ang gulo ng isip ko ngayon, kaya sana ay gabayan n’yo ako at pakianalisa na rin kung ano ang susunod na magaganap sa aking kapalaran. Makakatagpo pa ba ako ng karapat-dapat na lalaki at makakapag-asawa pa ba ako o mananatili na lang akong ganito habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Alam mo, Marilyn, sa edad mong 33, hindi ka pa gaanong matanda at sa totoo lang, maganda ka pa at makakahanap ng ibang lalaki na binata, papakasalan ka at makakasama mo habambuhay. Ang dapat mo lang gawin ngayon ay magpakatatag. Sabi nga, “Being strong sometimes means being able to let go.”

  2. In short, pabayaan mo na ang boyfriend mong may asawa sa gusto niyang mangyari. Habang sa parte mo naman, mas mainam kung maghanap ka na ng ibang lalaki na makakasama mo habambuhay at ito ay dapat ngayon na.

  3. Makakatagpo ka naman ng bagong karelasyon, sapagkat ito ang nais sabihin ng ikalawa, mas mahaba at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kung saan ang zodiac sign mong Aries at birth date na 6 ay nagsasabing, talagang medyo late na mangyayari ang iyong pag-aasawa. Ngunit sa pagdating ng isang lalaking Sagittarius na may birth date na 8, 17 o 26, sigurado na ang magaganap – muli kang iibig hanggang sa tuluyang makakapag-asawa, na hahantong sa simple at ngunit panghabambuhay na pagpapamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. “Kung alam lang ng tao ang susunod na magaganap, sana’y hindi siya mabibigo sa buhay.” Pero hindi totoo ang kasabihang ito dahil kadalasan, kahit alam mong nasa mali kang direksiyon o landas, lalo kang gumagawa ng ka-immoralan. Kaya bakit ipinagpapatuloy mo pa, gayung alam mo naman na mali ang iyong ginagawa? Dahil d’yan, sa bandang huli, kahit alam mo ang iyong ginagawa at alam mong mapapahamak ka, ikaw na rin ang pumili ng iyong hantungan.

  2. Kaya masasabing pagkakataon mo nang ituwid ang iyong mga nakaraang pagkakamali. Makipaghiwalay ka na sa lalaking may asawa at maghanap ka ng higit sa kanya, kumbaga, ru’n ka sa binata at habambuhay kang mamahalin at makakasama mo sa pagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

  3. Ayon sa iyong mga datos, ang mga nabanggit ay magaganap sa taong 2024, sa buwan ng Abril o Mayo at sa edad mong 36 pataas, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, na nagtataglay ng initial na E.S.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page