Search
  • BULGAR

Work-from-home, isinusulong ni Imee Marcos sa Senate Bill 1448

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Nagpasa ng Senate Bill 1448 si Imee Marcos kaugnay sa work-from-home bilang mandatory option ng mga empleyadong naka-isang taon na sa company o hindi kinakailangan ng physical presence sa kanilang trabaho.


Sabi ni Marcos, ito na ang ilan sa maaaring gawin sa tinatawag na “new normal”. Ito ay para maiwasan din ang physical contact at maisagawa ang social distancing.


Nakapaloob sa Senate Bill 1448 ang RA 11165 o Telecommunicating Act na naglalayong magkaroon ng option sa flexible work arrangement o alternatibong paraan na pinapayagang magtrabaho sa bahay ang mga empleyado gamit ang computer o telecommunications.


Noong December 20, 2018, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11165 bilang batas. Ito ay naglalaman ng “Should the physical presence of the employee be necessary for a particular task, the employer may require his/her attendance in the workplace, within office hours and during weekdays, but not more than twice a week.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.