top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wine, simbolo ng kasaganaan at kaligayahan

BULGAR
May 25, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 25, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joey ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakadungaw ako sa bintana namin, tapos inaabangan ko ang aking mga kaibigan. Hindi nagtagal, dumating na sila, tapos nagkatuwaan kami at uminom ng mamahaling alak. Imported ‘yung ininom naming wine at sabay-sabay kaming nag-toast.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joey



Sa iyo, Joey,


Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo dahil ang wine ay sumisimbolo ng kasaganaan, kaunlaran at kaligayahan. Ito rin ay nagpapahiwatig na may maayos at maganda kang pangangatawan — malusog ka at walang karamdaman.


Gayunman, ang sabi mo ay uminom kayo ng wine ng mga kaibigan mo at sabay-sabay na nag-toast. Ito ay nangangahulugan na magkikita-kita kayo ng mga kaibigan mo kung saan magiging masaya ang pagkikita n’yo na para bang nag-reunion kayo. Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na malulutas na ang mga problema mo sa kasalukuyan. Liligaya ka na at sasagana ang kabuhayan mo.


Samantala, ang dumungaw ka sa bintana upang tingnan kung paparating na ang mga kaibigan mo ay nangangahulugan na labis kang nag-aalala sa mga kaibigan mo. Hindi mo kasi alam kung sino ang totoong kaibigan o nagkukunwari lamang. Gayunman, wala kang dapat ipag-alala dahil ang panaginip mo ay nagpapahiwatig na sila ay tapat sa iyo at maaasahan sa sandali ng kagipitan. Handa silang tumulong kung kinakailangan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page