Win Gatchalian, going strong ang relasyon kay Bianca Manalo: “No fake news will divide us apart.”

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 23, 2023

Nagsalita na si Senador Sherwin Gatchalian sa gitna ng mga pambabatikos sa kanyang kasintahan na si Bianca Manalo dahil sa umano’y texting scandal nito kung saan sangkot ang aktor na si Rob Gomez.
Sa post ni Gatchalian sa Instagram, ipinakita niya ang Christmas gift na kanyang natanggap, kung saan ibinida ang isang magandang larawan nila ng kanyang nobya.
Agaw-pansin ang caption ng senador sa post kung saan naka-tag din ang kanyang girlfriend.
“@biancamanalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart.”
Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag kamakailan lang si Bianca tungkol sa kumalat na mga screenshot ng kanilang pag-uusap ni Rob Gomez.
Itinanggi ni Bianca ang pagkalat ng buong usapan at kinumpirma na may ilang bahagi ng kanilang komunikasyon ang nawala o burado.





Comments