WILLIE, NAG-DONATE NG P5 MILYON SA NASALANTA NG BAGYO SA CATANDUANES, 3 HELICOPTER ANG GAMIT

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 10, 2020

Grabe ang nangyari sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes sa Bicol nu'ng Linggo. Shocked kami sa napanood namin sa 24-Oras ng GMA-7 kagabi nang ipakita ang full shot ng super-daming taong nag-abang kay Willie Revillame. Akala mo tuloy, may fans day!
Kesehodang may ipinatutupad na social distancing ngayon sa bansa, aba, dedma lang ang mga taga-Gigmoto dahil halos magkapalitan na sila ng mukha sa pagkakagulo makita at makalapit lang kay Kuya Wil!
In fairness, COVID-19-free naman daw kasi sa Gigmoto kaya walang takot ang mga residente kahit para na silang 'di mahulugang-karayom.
Nagpunta ru'n ang Wowowin host matapos mapanood ni Kuya Wil sa 24-Oras ang panawagan ng isang nanay na nagngangalang Elizabeth na nangangailangan sila ng tulong dahil sinalanta sila ng Bagyong Rolly.
Sakay ng tatlong helicopters, kahit dapat ay rest day niya nu'ng Linggo ay lumipad papuntang Gigmoto si Kuya Willie kasama ang ilan niyang staff sa Wowowin at nagdala sila ng mga gamot, kumot at jacket.
Nakaka-touched nang sabihin ni Kuya Wil habang naka-megaphone na, "Hindi ko naman magawang matulog at dedmahin na lang ang panawagan ni Nanay Elizabeth" or something like that.
Oo nga naman, mahirap nga namang dalhin sa kunsensiya 'yung habang siya ay payapang natutulog sa malambot niyang kama, may mga taong naghihintay ng kanyang tulong.
Kaya bukod sa mga relief goods na dala-dala ng team ni Kuya Wil, nagbigay pa siya ng P100 K kay Nanay Elizabeth at P5 milyon naman bilang donasyon sa mga taga-Gigmoto, Catanduanes na nasalanta ni 'Rolly'.
Iba talaga ang taong dumaan sa hirap, alam ang pakiramdam ng mga nangangailangan kaya isang tawag lang, kahit parang "I woke up like this" pa nga ang porma ni Kuya Wil, ayun, sumugod na sila ng kanyang staff sa Catanduanes!
'Yan si Kuya Wil! Clap, clap, clap! Bigyan ng jacket!!!





Comments