top of page

Willie, Ipe at Jimmy, kaya ‘di na rin ibinoto… ROBIN, WA’ RAW NAGAWA, AYAW NANG MAKITA NG MADLANG PIPOL SA SENADO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 18, 2025



Photo: Robin Padilla - IG


Nakakaloka pa rin ang mga tsikahan sa katatapos na eleksiyon.

Kahit hindi naman kandidato si Sen. Robin Padilla, nadadamay at laging nababanggit ang name nito.


May mga netizens na nagsasabing ‘nagising’ na nga raw ang madlang pipol at nagpapasalamat kay Binoe dahil anila, “Ayaw na naming makakita ng mga gaya niya sa Senado.”


Gaya nina Willie Revillame at Phillip Salvador, Jimmy Bondoc, Bong Revilla at ang nanalo uling si Sen. Lito Lapid, grabe ang pang-aalipusta ng mga ‘new breed of voters’ sa mga gaya nila.


Kaya naman hindi rin nakakagulat ang mga naglalabasang ‘mga resibo’ sa mga accomplishments (mga naipasang batas) na nagawa lalo na nina Bong at Lito na

masarap isampal sa mga kumukuwestiyon.


‘Yun nga lang, marami pa rin ang naghahanap ng mga ‘nagawa’ naman ni Sen. Robin?



Ano raw kaya ang masasabi rito ng anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla, na ang ex-husband namang si Aljur Abrenica ay ‘Lotlot’ din sa pagka-konsehal sa Pampanga?


Hmmm… knowing Kylie, hindi rin siguro siya ‘yung tipo na basta na lang magsasalita, lalo’t kontrobersiyal na pulitiko ang kanyang ama.


Pero pagdating sa TV project, naku, tiyak naman kaming may ipagmamalaki si Kylie, gaya na lang ng nalalapit na reunion nila ni Jak Roberto sa GMA Afternoon Prime series na My Father’s Wife (MFW).


Nagkasama na ang dalawa noong 2022 sa Bolera kung saan isa si Jak sa mga leading men ni Kylie. This time, mas mature na ang kanilang roles sa MFW

Sey nga ni Jak, “Happy ako na maka-work ulit si Kylie kasi I worked with her na, ‘di na namin kailangang mag-adjust sa isa’t isa.”


Lalo rin daw dapat abangan ang serye dahil sa unique role ni Kylie. 

Pagmamalaki ni Jak, “Excited ako for her kasi parang ngayon n’ya lang din gagawin itong character na ‘to. Grabe! Abangan ninyo, guys, sobrang nakaka-excite.



AY, gaano naman kaya ka-true ang tsismis na napakabongga umano ng nakuha o ibinigay na talent fee (TF) kay Yassi Pressman mula sa partylist na Bicol Saro? 


Although hindi ito gaanong namayagpag sa boto, mukhang may makukuha raw itong isang upuan sa Kongreso.


Ayon sa mga ka-Marites naming mga uragon sa Bicol, tila madaragdagan daw ang mga properties ni Yassi sa ilang lugar sa Camarines Sur nang dahil sa endorsement ng aktres. 


Siyempre, may cash incentive pa ‘yung kasama lalo’t kinarir daw ni Yassi ang pagsasalita ng Bicol dialect kahit nabubulol ito.


At dahil malaking bagay na kasa-kasama siya ng kanyang BF na si Luigi Villafuerte, pati na ng kapatid nitong si Migz sa pangangampanya ng mga ito para sa pagka-congressman (2nd and 5th district respectively) at pagka-gobernador naman ng ama nitong si Lray Villafuerte, iba pa raw ang bonus package na ibinigay sa maganda at seksing aktres.


Dedma nga lang daw ang mag-aamang Villafuerte sa usaping ‘dynasty’ lalo’t lahat sila ay nanalo sa eleksiyon. Kahit nga raw si dating VP Leni Robredo ay hindi nangahas lumaban bilang governor ng CamSur dahil baka raw mangamote ito sa mga Villafuerte kaya’t ang pagiging city mayor ng Naga ang kinarir nito. 


Pero ayon naman sa mga kaalyado ni Mayor-elect Leni, hindi rin naman nakakahiya ang botong nakuha ng ipinantapat nila kay Gov. Lray dahil ilang libo lang ang inilamang ng huli sa kalaban.


Sa mga hindi rin nakakaalam, asawa ni Migz ang dating Bb. Pilipinas-Universe 2017 na si Rachel Peters. Happily married sila kasama ang kanilang mga anak.


Kaya huwag daw po tayong magtaka o magulat if very soon ay maging pulitiko na rin si Yassi ng naturang probinsiya, lalo’t wagas ang public display of affection nila ni Luigi, may kampanya man o wala.


Oh, ‘di ba, pa-cha-cha-cha-cha lang din ng mga posisyon ang Villafuertes — from governor to congressman and vice-versa.


Naging kaalyado nila si Marco Gumabao na pinatakbo nila sa 4th District ng CamSur, pero natalo nga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page