top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Whisky ang ininom nang nauhaw, paalala na tigilan na ang pagtoma

BULGAR
May 27, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 27, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolly ng Davao.


Dear Maestra,


Single ako at wala pang balak mag-asawa. Enjoy na enjoy pa kasi akong maka-bonding ang mga barkada ko at makipag-inuman sa kanila kahit abutin kami ng magdamag, lalo na kung masarap ang pulutan.


Napanaginipan ko na nagsusulat ako sa terrace namin, tapos nakaramdam ako ng uhaw. Pumunta ako sa kusina, pero hindi tubig ang kinuha ko, sa halip, ‘yung whisky sa mesa ang kinuha ko at ininom hanggang maubos ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rolly


Sa iyo, Rolly,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsusulat ka ay babala o paalala na maging maingat ka sa isinusulat mo. Unawain mong mabuti ang nilalaman nito at kung kanino ba talaga nauukol ang isinusulat mo. Gayundin, kilalanin mong mabuti ang taong pinatutungkulan mo ng iyong sulat.


Samantala, tungkol naman sa nauhaw ka, pero sa halip na tubig ay whisky ang ininom mo, ito ay nagpapahiwatig na iwasan mo na ang pagiging lasenggo. Bawas-bawasan mo na ang pag-inom ng alak dahil hindi ito makabubuti sa iyong kalusugan at maaaring dapuan ka ng malubhang karamdaman dahil sa sobrang pag-inom ng alak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page