Walang hindi kaya kung may pagkakaisa
- BULGAR
- Dec 2, 2022
- 1 min read
@Editorial | December 2, 2022
Ang pagkakaisa ay hindi lamang idealismo, ito ay isang mithiin.
Nagsisimula sa isang tao na piniling maging KAISA sa iisang layunin.
Marami nang pangarap na naabot at pagsubok na nalampasan dahil sa PAGKAKAISA.
Sa pagtutulungan, ang mabigat ay gumagaan, ang mahirap, dumadali at ang PAGBANGON ay nagiging mas mabilis.
Ito ang ating layunin, ang maging “KAISA SA PAGKAKAISA PARA SA PAGBANGON”.
Simulan natin sa sarili. Anuman ang ating edad, kasarian, estado sa buhay, huwag nating ipagdamot ang ating kakayahan para makatulong sa kapwa. Minsan, akala natin ay wala tayong maiaambag pero ang totoo, hindi lang natin sinusubukan. Kaya alamin ang ating kakayahan at ibahagi natin sa iba.
Kapag ang “ako” ay naging “kami” at nakasama “sila” hanggang sa maging “tayo”, ito na ang susi ng pagbangon.
Sama-sama nating patatagin ang sarili, babangon, haharapin ang mga pagsubok at muling pauunlarin ang bayan.
Masasabing nasimulan na natin ang pinakamahirap na bahagi ng pagkakabagsak, tayo’y nakabangon na, sunod naman ay ang pagbawi.
Mayroon na tayong mga bagong pinuno sa gobyerno, mga polisiya, programa at proyekto.
Katuwang nila ay ang mga pribadong sektor na naging mas aktibo sa pagtulong.
Kung matatag ang pamahalaan at may suporta ng taumbayan, kayang-kaya!
Hindi imposible ang Pilipinas na mas maunlad, tiwala, sikap, pagkakaisa at tiwala sa Diyos ang kailangan.
Comments