Paglimita ng oras sa pagparada sa kalsada solusyon sa malalang trapik
- BULGAR
- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | August 4, 2025

Mula noon hanggang ngayon, problema pa rin ang trapik. Ang masaklap, kahit sa mga ‘di pangunahing lansangan ay grabe na rin ang trapik, halos hindi madaanan.
Isa sa nakikitang dahilan ay ang mga nakaparadang sasakyan.
Kaugnay nito, nagpanukala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng limitadong parking hours sa mga secondary at tertiary public roads sa Metro Manila.Para sa DILG, gusto nilang magpatupad ng parking ban mula 5:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. bilang solusyon sa lumalalang problema sa trapiko.
Sa bersyon naman ng MMDA, isinusulong na magkaroon ng dalawang mas maiksing parking ban hours. Iyan ay mula 7:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. at mula 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.
Habang may mga motorista naman na humihirit na tuluyan nang ipagbawal ang pagparada sa mga kalsada sa lahat ng oras.
Mula sa mga nabanggit na opsyon, umaasa tayo na matapos pag-aralang maigi ay masosolb na ang problema.
Anuman ang maging desisyon, sana’y sundin naman ng lahat. Sana’y magkaroon ng disiplina para kahit paano ay mabawasan na ang grabeng trapik.
Comments