BSKE postponement namumuro, mga opisyal, sulitin ang panahon sa pagseserbisyo
- BULGAR

- Aug 3, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | August 3, 2025

Sa gitna ng posibleng pagpapaliban ng Barangay at SK Elections, isang malinaw na hamon ang dapat harapin ng mga opisyal ng barangay: Sulitin ang bawat araw sa panunungkulan.Ang bawat araw na nadadagdag sa termino ay hindi gantimpala, kundi dagdag na pananagutan.
Hindi dahilan ang postponement para magpahinga o makampante sa puwesto lalo't hindi para mangampanya.
Sa halip, ito ay isang pagkakataon para patunayan na nararapat sa tiwala ng mamamayan at may mga magagawa pa bilang lingkod-bayan.Panahon na para itigil ang palusot at tapusin nang mas epektibo ang serbisyo.
Dapat maramdaman ng taumbayan na may tunay na liderato sa barangay.
Hindi mahalaga kung gaano katagal ka sa puwesto, kundi kung anong naiambag mo habang nar’yan ka.
Sa huli, ang tapat na serbisyo ang magiging sukatan — hindi ang panahon ng pananatili sa posisyon.





Comments