Walang emerging COVID-19 hotspots sa Metro Manila — DOH
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo - @News | July 7, 2020

Binawi ng DOH ang una nitong inanunsiyo na ang apat na lugar sa Metro Manila ay ang sinasabing emerging hotspot ng COVID-19 sa bansa.
Ang mga siyudad na sinabing emerging hotspot ay ang Marikina, Muntinlupa, Makati at Quezon City.
Ayon sa DOH ang mga lugar na nasabi ay “mistakenly classified as hotspots” at ang inanunsiyo ay “based on a report last month.”
Ayon sa datos ng DOH ang 3 sa 4 na lungsod na nabangit ay aktuwal na nagpapakita ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Marikina ay bumaba ng 68%, Muntinlupa - 10% at Makati - 4%.
Sinabi rin ng DOH na ito ay close monitoring at tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City ng halos 34%. Humingi rin ito ng pasensiya sa naunang ulat tungkol dito. “We apologize for the confusion. This is our up to date record. We will redouble our efforts to keep our reports as current as possible,”





Comments