Search
  • BULGAR

Walang disease outbreak... Tilapia at hipon, safe kainin – DA

ni Thea Janica Teh | June 24, 2020




Sinigurado ng Department of Agriculture na walang disease outbreak at ligtas kumain ng tilapia at hipon sa kabila ng pagtaas ng mortality case nito.


Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang pagtaas ng pagkamatay ng mga isda at hipon sa Taal Lake at Laguna de Bay ay epekto ng pagbaba ng oxygen level dahil sa pagbabago ng klima.


Binigyang-diin din ng BFAR na walang sakit na kumakalat sa tilapia at hipon. Kaya naman, hindi na kinakailangan ng health certificate para makapag-angkat ng mga ito sa mga wet market.


“We would like to emphasize that these diseases do not pose any risk to human health,” sabi ng BFAR.


Dagdag pa nito, kinakailangan lang ng health certificate para sa mga hipon at tilapia para hindi kumalat ang sakit tulad ng white spot syndrome virus, acute hepatopancreatic necrosis disease at mortalit syndrome.


Sinabi ng BFAR at ng regional offices na patuloy nila itong tututukan para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa isda at protektahan ang industriya ng tilapia at hipon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.