top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wala nang warning-warning ‘pag lumabag sa health protocols

BULGAR
Jul 14, 2021
1 min read

@Editorial | July 14, 2021


Ilang larawan at videos na naman ng mga nagpa-party sa bar ang kumalat online.


Makikita ang mga nagpa-party na walang suot na facemask at hindi rin nasusunod ang social distancing.


Kaugnay nito, hinuli ang ilang indibidwal na nag-o-operate sa bars at naglabas ng temporary closure sa mga nasabing establisimyento.


Nag-inspeksiyon din sa iba pang club at resto bar, kung saan nahuli rin ang ilan sa hindi pagsunod sa quarantine protocols.


Nauunawaan ng mga awtoridad ang kagustuhang makabawi ng mga negosyante at empleyado subalit, huwag naman sana umabot sa paglabag na sa batas.


Base sa pinakahuling general community quarantine (GCQ) guidelines ng lungsod, hindi pa maaaring magbalik-operasyon ang mga bar, club at iba pang entertainment at leisure centers.


Huwag na huwag ding idahilan kung sakaling bakunado na kontra-COVID-19, dahil palaging sinasabi ng kinauukulan na hindi ito lisensiya para magpasaway at magpakampante sa banta ng virus.


Ngayon, sa mga mahuhuling lumalabag sa mga panuntunan, ang apela sa gobyerno na agad nang tuluyan, wala nang warning-warning dahil matagal nang may batas laban sa COVID na dapat alam na ng lahat at sinusunod.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page