Wala na raw abusadong mayayaman, hamon kay P-Du30... Political dynasties, next
- BULGAR

- Jul 19, 2020
- 1 min read
ni BRT | July 19, 2020

Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ng kanyang administrasyon ang batas na magbabawal sa political dynasties upang mawakasan na ang tunay na oligarkiya sa bansa.
Sa isang online media forum, sinabi ni Drilon na ang political dynasties ang tunay na mga oligarch na siyang unang dapat na buwagin sa bansa.
“Oligarchy is a form of power structure in which power rests with a small number of people which use their power to seek personal gain or benefit their business interests,” ani Drilon.
“You cannot equate rich and oligarch, meaning it does not mean that if you are rich, you are on oligarch. An oligarch is the one that influences the decision of the government or the one using their political power, their wealth in order that the policy that they want to protect their interest will be pursued,” dagdag pa ng senador.
Ginawa ni Drilon ang pahayag makaraang sabihin ng Pangulo na nabuwag na niya ang oligarkiya sa bansa nang hindi nagdedeklara ng Martial Law.
Naniniwala ang senador na may kakayahan ang Pangulo na itulak ang pagpasa sa Anti-Political Dynasty Bill sa Kongreso lalo pa’t karamihan sa mga kongresista ay kaalyado nito.





Comments