Wala masyadong nakulong sa flood scam... Grado ni Padilla kay Marcos: Bagsak
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 27, 2026

Photo: Robin Padilla at Pres. Bongbong Marcos - FB
Binigyan ni Sen. Robinhood Padilla ng bagsak na grado ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng pagtugon nito sa umano’y mga anomalya sa flood control projects.
“Two [ang binibigay kong grado. Eh, baha pa eh. Wala pa naman ako nakita masyadong nakulong d'yan,” ani Padilla
Ayon sa senador, hindi pa sapat ang nagiging aksyon ng pamahalaan dahil iilan pa lamang ang naaresto o napanagot sa kabila ng malawakang imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa mga proyekto.
“Napakaraming listahan niyan. Unang-una ang tingin ko d'yan pulitika. Ang tingin ko d'yan sa pagkakakulong nu'ng mga 'yun, Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Bong Revilla] ay pulitika,” punto niya.
“Imbestigahan lahat. Huwag tayong mamili. Huwag tayo maging pulitikal. Ang ating bayan ay ipinaglaban ng mga bayani natin para magkaroon tayo ng hustisya, nasaan 'yun?” dagdag niya.





Comments