Wakasan na ang maliligayang araw ng mga epal na pulitiko
- BULGAR

- 4 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | January 16, 2026

Panahon nang itigil ang pagiging epal ng mga pulitiko.
Ang pondo at proyekto ng gobyerno ay hindi personal na billboard. Hindi ito para sa mukha, pangalan, o logo ng sinumang opisyal—lalo na kung malinaw na pangangampanya ang dating.
May mga umiiral nang plataporma para magsumbong. Gamitin ang mga ito.
Kapag may tarpaulin na mas malaki pa ang mukha ng pulitiko kaysa sa impormasyong dapat malaman ng publiko, i-report.
Kapag ang ayuda ay sinamahan ng pangalan at paalala kung sino ang “may gawa,” isumbong.
Kaugnay nito, responsibilidad ng gobyerno na kumilos, mag-imbestiga, at magparusa.
Panawagan sa lahat ng ahensya ng gobyerno, huwag magpagamit sa mga pulitiko. Huwag kayong pumayag na bahiran ng pang-aabuso ang pondong ipinagkatiwala sa inyo.
At may tungkulin din ang mamamayan: huwag palampasin ang malinaw na pang-eepal. Ang pananahimik ay pagsang-ayon.
Ang serbisyo-publiko ay para sa publiko—hindi para sa personal na promosyon.
Pigilan ang mga epal. Ipatupad ang batas. Panagutin ang mga lumalabag.






Comments