top of page

‘Wag lang puro paalala, bullying sa eskwelahan, aksyunan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | January 15, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi biro ang bullying. Hindi ito simpleng asaran o katuwaan. Isa itong malinaw na anyo ng karahasan na patuloy na sumisira sa buhay ng maraming estudyante sa loob ng paaralan.


Habang ang ilan ay pumapasok sa eskwela para matuto, may mga mag-aaral na pumapasok na may takot—takot mapahiya, masaktan, o maliitin. 


Mas masahol pa, may mga nambu-bully na tila walang pakialam, at may mga nakakasaksi na pinipiling manahimik. Ang katahimikan ng mga ito ang lalong nagpapalakas sa bullying.


May kasalanan ang nambu-bully, ngunit may pananagutan din ang sistemang nagpapabaya. 


Hindi sapat ang paalala. Kailangan ng konkretong aksyon—agarang parusa sa nambu-bully, proteksyon sa biktima, at edukasyong nagtuturo ng respeto sa kapwa. 


Ang eskwelahan ay hindi lugar para sa pang-aabuso. Kung patuloy itong babalewalain, tayo mismo ang nagiging bahagi ng problema.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page