top of page

Clearing operation na may paninindigan, hindi ningas-kugon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | January 18, 2026



Editoryal, Editorial


Isa sa mga matagal nang suliranin sa ating mga lungsod ang baradong kalsada—mga bangketa at lansangang sinasakop ng ilegal na tindahan, nakaparadang sasakyan, at kung anu-ano pang sagabal. 


Sa tuwing may clearing operation, pansamantalang gumiginhawa ang daloy ng trapiko at nagkakaroon ng espasyo ang mga pedestrian. Ngunit makalipas lamang ang ilang araw, bumabalik din ang dating problema. Ito ang patunay na hindi sapat ang panandaliang aksyon.


Ang clearing operation ay 'di dapat ningas-kugon. Hindi ito dapat isagawa lamang kapag may reklamo o viral na larawan sa social media. 


Gayunman, mahalagang tandaan na hindi sapat ang pagbaklas at pagpapaalis. Kailangang isipan ng pamahalaan ng pangmatagalang solusyon. Saan ililipat ang mga vendor na maitutuloy ang kanilang kabuhayan? Paano matitiyak na hindi na babalik ang mga illegal parking?


Dito pumapasok ang masusing pagpaplano at pakikipag-ugnayan sa komunidad. Kailangan ang disiplina ng mamamayan, ngunit mas kailangan ang malinaw na direksyon at malasakit ng pamahalaan. 


Kung nais nating tuluyang maging maayos ang ating mga lansangan, huwag sana tayong tumigil sa kalagitnaan. 


Ipagpatuloy ang clearing operation—ngunit sabayan ng solusyon at malasakit. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ng tunay at pangmatagalang pagbabago.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page