top of page

Wa’ raw paki sa mga magagalit sa kanya… ARIEL, UMAMING DIRETSO SA BASURAHAN ANG MGA AWARDS AT TROPHIES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 28, 2025



Matthew Lhuillier at Chie Filomeno - IG

Photo: Ariel Rivera interview via Janiz Navida / Bulgar


 

Sa 23 years namin bilang manunulat, parang twice or thrice pa lang naming naka-one-on-one interview ang singer-actor na si Ariel Rivera.


Kaya nang makita namin siya sa ginanap na mediacon para sa second season ng Sing-Galing: Sing-lebrity Edition kung saan isa siya sa mga magsisilbing Jukebosses kasama sina Rey Valera, Nina, Ella May Saison, Mitoy Yonting at Ethel Booba, na-curious kaming tanungin ang mister ni Gelli de Belen kung paano nito ia-assess ang kanyang career sa 35 yrs. niya sa showbiz at music industry.


Nagulat kami sa medyo kakaiba at prangkang sagot ni Ariel dahil aniya, “I never assess my career. My career is not important talaga. My priority is myself. My goal in life was always to be a good husband, to be a good father, that’s it.”


At mas nagulat pa kami sa kasunod niyang sinabi na, “Kaya whatever it is that I got, whether it’s a gold album, platinum, acting awards, itinatapon ko lahat ‘yun. I throw it in the garbage. Kasi hindi importante sa akin ‘yun, eh.


“Kaya when you come to my house, wala kang makikitang poster ng movie ko, wala kang makikitang awards ko, kasi ‘pag natanggap ko ‘yun, itinatapon ko agad ‘yun.


“Hindi importante sa akin ‘yun, eh. Trophy is just a trophy,” dire-diretso niyang pahayag.

Ipinaliwanag niyang naa-appreciate naman niya kapag binibigyan siya ng award, pero dahil “piece of wood” lang naman daw ang trophy kaya itinatapon niya agad.

Sabi namin sa kanya, kakaiba siyang nilalang dahil ‘yung ibang celebrities, ingat na ingat pa at inilalagay sa mga cabinet o kaya ay museum.


Katwiran ni Ariel, “I don’t need to be reminded of what I did. Like I’ve said, hindi importante sa akin ‘yun, eh. Ang mas importante sa akin, mga anak ko, asawa ko, ‘yun lang ang importante sa akin, pamilya ko, that’s it. 


“Kaya kung anuman ang nangyayari sa industriya, wala akong pakialam sa kanila.”

At kahit sa mga papuring naririnig, hindi rin daw agad-agad naniniwala si Ariel.  


“Don’t believe in your write-ups just because somebody says ‘You’re a great actor. You’re a great singer.’ Parang who cares? Who the hell cares if you’re a good actor or singer? What’s important is that when I sing or when I act, I make people happy and they enjoy what I do. ‘Yun ang importante, not a stupid trophy that says ‘Ay, ang galing mo.’”


Ang ikini-keep lang daw ni Ariel sa kanilang bahay ay ang kanyang golf trophies.

Sabi namin sa kanya, baka ma-misinterpret ng mga award-giving bodies ang statement niya.


“Wala akong pakialam. I don’t care naman, eh,” sabay tawa nito.

Ano’ng sinasabi ni Gelli ‘pag itinatapon niya ang awards niya?“Sinasabi niya, ‘Ganu’n talaga siya, eh.’ Ganu’n ako. What can I do?”


Muli, idiniin ni Ariel na, “It’s not that I don’t appreciate it. I appreciate you give (sic) me an award, and I really sincerely do. But don’t take offense with ‘coz it’s mine na, eh. It’s just a piece of trophy. ‘Pag itinapon ko, so what?”


So, paano niya gustong makilala ng mga tao sa industriya?

“Wala. I want them to remember me as somebody who’s a good person, a good father and a good husband, that’s it.”


Well, medyo weird man ang paniniwala ni Ariel Rivera, we have to accept and respect it, dahil sabi nga niya, siya ‘yun, eh!


Samantala, nagsimula nang mapanood ang Sing-Galing: Sing-lebrity Edition kagabi, Sabado (Sept. 27) at 7:00 PM, at eere rin ito ngayong Linggo, 8:00 PM sa TV5, Sari-Sari Channel at BuKo Channel.



Pass muna raw sa pagrampa sa Milan at Paris… 

SIGAW NI HEART: NAKIKIISA AKO SA LABAN VS. KORUPSIYON



DINEPENSAHAN ni GMA Network Senior Vice-President Atty. Annette Gozon-Valdes si Heart Evangelista sa pamamagitan ng isang statement kaugnay ng mga kumakalat na balitang may ilang brands diumano na nagtanggal sa Kapuso star bilang brand ambassador. 


Nag-post din ang Sparkle Artist Center bilang sagot sa kumalat na article na nabawasan ang benta ng dalawang brands na ine-endorse ni Heart. 


“FAKE NEWS ALERT! THIS IS NOT TRUE! Don’t be fooled by fake news! Always be vigilant when reading articles online,” ayon sa pahayag ng Sparkle.


Idiniin din ng kampo ni Heart na sa Instagram ay nananatiling 16.2 million ang followers ng misis ni Sen. Chiz Escudero, 7.5 million sa Facebook at 7.9 million sa Tiktok.


Muli ring ipinagtanggol si Heart ng mga followers niya at ipinaalala sa mga bashers na likas na mayaman ang aktres bago pa man niya napangasawa si Sen. Chiz.


Ang kanyang ama ay galing sa angkan ng Chinese-Filipino na mga Ongpauco, isa sa mga nag-umpisa ng chain ng restaurant ng Barrio Fiesta, habang ang kanyang ina ay galing sa angkan ng del Gallego na nagmamay-ari ng sugar plantation sa Camarines Sur.


Kaya naman, hindi maiwasang mapikon ni Heart sa mga panghuhusga ngayon sa kanya ng mga netizens at aniya, “The sad reality at this point, it’s very hurtful that as an independent woman like myself… goddammit, I am so independent… I am so hardworking and I have pride in what I do.


“I’m not the type of wife na nakatanga lang ako sa bahay, at nakikipag-chikahan lang ako sa amiga. I work. I refuse to just be a useless wife at home. I will continue to work,” sabi pa niya.


Anyway, nauna nang inanunsiyo ng aktres at fashion icon na hindi muna siya rarampa sa Milan at Paris Fashion Week. 


“I’m sorry for my fans that I’m not going to Fashion Week. I know that you guys say ‘laban, laban.’ I really appreciate you. But honestly, I don’t think it’s the right time for anyone to, especially from our country, to be going to Fashion Week because I think we need to be here. Not necessarily to be in the rally… but it’s important that we open our eyes, and we truly become one and empathize and really see what’s going on, and see what we can do,” aniya. 


Samantala, alam naman ng lahat na may pre-nuptial agreement sila ng mister na si Sen. Chiz Escudero kaya nagugulat sila sa mga pandadawit sa kanya na ang nasirang si Sen. Miriam Defensor Santiago pala ang humawak ng kontrata. 

“Since I’ve been working for a long time, the late senator Miriam Defensor who is like a second mother to me, who handled most of my contracts when I was younger, demanded that I get a prenup with my now-husband.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page