Wa’ munang dagdag-presyo sa bilihin, ayos!
- BULGAR
- Mar 28, 2021
- 1 min read
@Editorial | March 28, 2021
Sa panahon ng krisis, gagawin natin ang lahat para lang makatipid.
‘Yung tipong dapat patayin ang mga appliances kapag hindi ginagamit. Bawal magsayang ng tubig, kaya madalas ang huling pinagbanlawan ng labahan ay gagamitin na rin panlinis ng C.R. o ng sasakyan. At kapag nasa pamilihan, ang una sa listahan ay mga kailangan at saka na ‘yung mga bagay na gusto lang.
Kaya naman, goods news sa ating lahat na wala munang ipatutupad na dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin, tulad ng delata, noodles, gatas at iba pa.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), hindi sila magtataas-presyo kahit nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy. Binabalanse anila ang kalagayan ngayon dahil maraming mamamayan ang naghihirap dulot ng pandemya.
Isa marahil sa mga natutunan natin sa kasalukuyang krisis ay ang kahalagahan ng bawat singko. Papalagan ni ‘Juan’ ang produkto kahit piso lang ang matitipid, sa dami ng nawalan ng kabuhayan dulot ng pandemya, sino ba naman ang hindi maghihigpit sa paggasta?
Sana lang ay maipatupad ito at ‘wag labagin ng mga mapagsamantalang negosyante.



Comments