top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

VP Robredo sisiguraduhing makapagbibigay ng gadget at internet sa darating na online class

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | August 25, 2020




Nagbigay ng pahayag si Vice President upang muling maibalik ang ekonomiya sa bansa sa gitna ng pandemya mula sa mapalakas ng mga manggagawa at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Sinabi ni Vice President ang 11 pointers at sumipa na sa 194,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na isa sa pinakamataas sa Southern Asia.

Sinabi rin ni Robredo na sisiguraduhin niya na mayroong gadget at internet na magagamit ang mga studyante sa darating na online class.

"Kaya din natin ito. Kinakaya na dapat natin ito. Napakahaba ng kasaysayan natin ng tagumpay laban sa mga hamon na tulad nito. Maaaring may mga pagkakataon na nakalimutan natin kung sino tayo. Ngayon, ipinapaalala ng isa na namang hamon. At idinidiin ko, kung sino talaga ang Pilipino: Bukas at matibay ang loob. Maparaan. Laging iniintindi ang kapwa, lalo na sa panahon ng kagipitan, at kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang, tayo mismo ang magtutulungan, tayo mismo ang bibitbit sa isa’t isa. Tayo mismo ang haharap, tayo mismo ang mangunguna, gagampanan natin ang anumang tungkulin para daigin ang anumang pagsubok, sa ngalan ng ating kapwa,”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page