top of page

VP Robredo, namahagi ng relief goods sa Cagayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 15, 2020



Binisita ni Vice-President Leni Robredo ngayong Linggo ang mga residente sa Cagayan at namahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.


“We arrived in Cagayan this morning. Our team arrived a few hours earlier with supplies,” ayon sa post sa Twitter ni VP Robredo.


“Situation is so much better. Many areas still flooded but water receded already,” sabi niya.


Sa isa namang video post sa Facebook, nasa boundary si Robredo ng Linao Norte at Annafunan sa Tuguegarao City. Aniya, marami sa mga itinawag na rescue sa kanyang opisina ay mula sa Linao East.


"May parts pa rin na mataas pa rin ang tubig," sabi ng bise-presidente.


"Makikita natin 'yung bakas ng baha. Kaka-recede pa lang ng tubig. Parang mayroon pa siyang residue. May putik pa ang mga bahay. Naglilinis ang mga tao," aniya.


Ayon kay Robredo, may mga kababayan na humihingi ng pagkain at tubig. "Marami tayong tinawagan na initially nagpapa-rescue. Sabi nila, hindi na sila lilikas. Karamihan, nagre-request ng pagkain at tubig, kasi may mga parts na nawalan ng water at may mga parts na hindi makalabas ang mga tao," ani Robredo.


Sinabi ni Robredo na patungo na ang kanyang team sa evacuation center para magbigay ng mga relief goods. "Aside sa relief goods, may dala rin kaming mattresses," sabi pa ni Robredo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page